Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
Table of Contents
Akademikong Pagsulat
- kinapapalooban ito ng anomang itinatakdang gawaing pagsulat sa isang setting na akademiko.
- ginagamit din ito para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik.
- inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
- ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo
- proseso ng paglikha ng teksto o sulatin na sumusunod sa mga pamantayang akademiko, istilo.
- karaniwang ginagamit sa mga institusyon ng edukasyon, unibersidad at iba pang akademikong kalipunan.
Halimbawa
- Abstrak
- Agenda
- Bionote
- Photo Essay
- Lakbay-Sanaysay
- Panukalang Proyekto
- Katitikan ng Pulong
- Posisyong Papel
- Replektibong Sanaysay
- Talumpati
Kalikasan
Ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003), ito ang mga sumusunod na kalikasan ng akademikong pagsulat.
Katotohanan
- ang manunulat ay dapat may taglay na nakakagamit ng kaalaman at metodo ng displinang makatotohanan.
- ang layunin ng akademikong pagsulat ay hindi lamang magbigay ng pahayag o claims kundi magbigay rin ng datos, ebidensya at argumento na sumosuporta sa pahayag.
Ebidensya
- Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
- maglagay ng mga kaugnay na literatura at citations o pagsipi para sa bawat pahayag.
Balanse
- nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng haka, opinyon at argumento, ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling.
- dapat maging obhetibo ang paglalahad ng opinyon.
- Hindi dapat ito maging persuasive at dapat wala itong pagkiling sa isang panig.
Personal na Pagsulat
ito ang mga pagkakaiba ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat.
Akademikong Pagsulat | Personal na Pagsulat |
---|---|
Pormal ang wika | Impormal ang wika |
Seryoso ang tono | Magaan ang tono at kumbersasyonal |
Walang paligoy-ligoy at direct to the point ang paglalahad | Madalas ay maligoy ang paglalahad. |
Literal ang pagbasa na hindi ginagamitan ng mabulaklak na pananalita. | Nangangailangan ng hindi literal na pagbasa |
Pinahahalagahan ang kawastuan ng impormasyon. Bunga ng masinop na pananaliksik. | Karaniwan ay bunga ng imahinasyon. |
Pakinabang
- Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.
- Malillinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin.
- Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangang salain at suriin para sa akademikong pagsulat.
- Malilinang din ang hikayat ng pagtuklas ng kaalamang intelektwal, bagay na lubhang mahalagang bahaging pagkatuto.
- Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.
- Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan at ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
- Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maari ring masanay sa pagkilala sa akda ng may-akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.
- Inaasahan ding mabubuksan ang isiping mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhektibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon
- Matututunan din ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki-pakinabang para sa tinutuntong imbestigasyon.