Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Table of Contents

Akademikong Pagsulat

  • kinapapalooban ito ng anomang itinatakdang gawaing pagsulat sa isang setting na akademiko.
  • ginagamit din ito para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik.
  • inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
  • ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo
  • proseso ng paglikha ng teksto o sulatin na sumusunod sa mga pamantayang akademiko, istilo.
  • karaniwang ginagamit sa mga institusyon ng edukasyon, unibersidad at iba pang akademikong kalipunan.

Halimbawa

  • Abstrak
  • Agenda
  • Bionote
  • Photo Essay
  • Lakbay-Sanaysay
  • Panukalang Proyekto
  • Katitikan ng Pulong
  • Posisyong Papel
  • Replektibong Sanaysay
  • Talumpati

Kalikasan

Ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003), ito ang mga sumusunod na kalikasan ng akademikong pagsulat.

Katotohanan

  • ang manunulat ay dapat may taglay na nakakagamit ng kaalaman at metodo ng displinang makatotohanan.
  • ang layunin ng akademikong pagsulat ay hindi lamang magbigay ng pahayag o claims kundi magbigay rin ng datos, ebidensya at argumento na sumosuporta sa pahayag.

Ebidensya

  • Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
  • maglagay ng mga kaugnay na literatura at citations o pagsipi para sa bawat pahayag.

Balanse

  • nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng haka, opinyon at argumento, ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling.
  • dapat maging obhetibo ang paglalahad ng opinyon.
    • Hindi dapat ito maging persuasive at dapat wala itong pagkiling sa isang panig.

Personal na Pagsulat

ito ang mga pagkakaiba ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat.

Akademikong Pagsulat Personal na Pagsulat
Pormal ang wika Impormal ang wika
Seryoso ang tono Magaan ang tono at kumbersasyonal
Walang paligoy-ligoy at direct to the point ang paglalahad Madalas ay maligoy ang paglalahad.
Literal ang pagbasa na hindi ginagamitan ng mabulaklak na pananalita. Nangangailangan ng hindi literal na pagbasa
Pinahahalagahan ang kawastuan ng impormasyon. Bunga ng masinop na pananaliksik. Karaniwan ay bunga ng imahinasyon.

Pakinabang

  1. Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.
  2. Malillinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin.
  3. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangang salain at suriin para sa akademikong pagsulat.
  4. Malilinang din ang hikayat ng pagtuklas ng kaalamang intelektwal, bagay na lubhang mahalagang bahaging pagkatuto.
  5. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.
  6. Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan at ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
  7. Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maari ring masanay sa pagkilala sa akda ng may-akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.
  8. Inaasahan ding mabubuksan ang isiping mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhektibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon
  9. Matututunan din ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki-pakinabang para sa tinutuntong imbestigasyon.

References

Quarter 1

(1st Semester > Quarter 1 > Topics)

Date: August 09, 2023

Author: Paul Gerald D. Pare

Emacs 29.1 (Org mode 9.6.6)